Ipapatupad ng Cotabato City Police Office ang mas pinaigting na police visibility bilang bahagi ng crime prevention at crime solution strategy ngayong 2026, ayon sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay PLt. Rochelle Evangelista.
Ayon kay PLt. Evangelista, napatunayang epektibo ang presensya ng mga pulis sa lansangan sa pagpigil ng krimen, kasabay ng random na mobile at foot patrolling ng iba’t ibang yunit ng PNP sa lungsod.
Paliwanag pa ng opisyal, hindi man tuluyang mawawala ang kriminalidad ay maaari itong mapigilan o mabawasan sa pamamagitan ng maagap at tuloy-tuloy na pagbabantay sa mga komunidad.
Dagdag pa niya, ito ay alinsunod sa direktiba ni City Director PCol. Jibin Bongcayao na palakasin ang police visibility ng lahat ng unit upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa Cotabato City.

















