Nilinaw at tinalakay ni Lanao del Norte Representative Zia Alonto- Adiong ang mga bumabalot na kontrobersya at mga ipinupukol na akusasyon sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng DSWD at ng national government nitong nagdaan na linggo.
Pinasinungalingan naman ng mambabatas ang aniya’y paggamit ng mga elected officials sa pondo ng programa sa vote buying o pamimili ng boto.
Sa pangangatwiran ng batang mambabatas, sinabi nito na social welfare program ang AKAP at layunin nuto na tumulong sa mga pamilyang hirap sa buhay at may pangangailangan.
Direkta din niya na ibinibigay ng DSWD ang naturang programa sa mga pamilyang may mabababa na kita at nag-iikahos.
Dagdag ng mambabatas, ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng DSWD ng ayuda na mula sa 2,000 hanggang 10,000.00.
Matatandaang naging ugat ng kontrobersya ang pagtaas ng pondong inilaan para sa AKAP maging ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS habang tinanggal naman ang budget o pondo sa Philhealth at tinapyasan naman ang budget ng DepEd.
Kaugnay niyan, inulan naman ng samut-saring pagpuna at pambabatikos sa publiko ang mga mambabatas at kanilang tinawag na new pork barrel ang pondong inilaan ng mga mambabatas sa AKAP.