May mga sinusundan pang persons of interest bukod pa sa naunang tatlo na POI ang PNP South Upi sa pananambang kay Vice Mayor Roldan Benito at Basir Saligan.

Sinabi ito ni South Upi PNP Chief Capt. Amier Hussein Disomangcop na nagsabing may mga bago silang mga POI na iniimbestigahan na maari umanong madagdag sa mga nauna pang POI sa nangyaring Barangay Pandan Ambush.

Dagdag ni Disomangcop, hindi pa masasabing konektado ang dalawang pananambang dahil magkaiba aniya ang motibo ng krimen at patuloy ang pangangalap nila ng ebidensya sa mga nadagdag pang iniimbestigahan.

Malapit na rin maisampa ang kasong Murder at Frustrated Murder at inaantay na lang nila ang pamilya na magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay.

Nirerespeto din nila aniya ang pamilya ng mga biktima at bibigyan nila ito ng panahon upang makapagluksa sa pagkamatay ng kanilang mga kaanak.