Arestado sa lalawigan ng Maguindanao Norte partikular na sa Barangay Balut sa bayan ng Sultan Mastura ang TOP 2 most wanted person sa pambayang lebel at isang lider ng posibleng private armed group base sa tipy ng isang concerned citizen.

Natimbog ng magkasanib na operatiba ng Sultan Mastura MPS na siyang lead unit kasama ang PIU MDN, RIU 15, RID PRO BAR sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong Murder ang di na pinangalanang suspek na mayroong petsa na September 4, 2013 na inisyu ng 12th Judicial Region, Branch 14 ng lungsod ng Cotabato.

Kusa naman na sumuko ang di na pinangalanan na suspek at binasahan ng karapatan nito at kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Sultan Mastura MPS upang hintayin ang Commitment Order na galing sa korte.