Nagbalik na matapos ipahinto ng Philippine Postal Corporation o Philpost ang paggawa at aplikasyon ng mga nagnanais na magkaroon ng bagong Postal ID.

Nagsimula na ang pagtanggap ng aplikasyon simula kahapon, Oktubre 15.

Sa Lungsod ng Cotabato, ang pag-apply nito ay maaring gawin sa Cotabato City Post Office sa Bonifacio Street sa lungsod.

Kinakailangan lamang na magdala ng proof of identity kagaya ng Birth Certificate at isang Proof of Address na kagaya ng Barangay Clearance at ang postal ID fee na 550 pesos ang isang aplikante.

Pwede rin i-renew ang mga luma o expired na Postal ID sa nasabing post office sa lungsod.

Tanging personal lamang na aplikasyon o renewal ng mga aplikante ang tinatanggap ng naturang post office at para sa karagdagang tanong ay maaring bumisita sa Postal ID fb page o sa mismong Cotabato City Post Office.