Isang prayer rally ang isinasagawa kagabi sa Cotabato City Plaza, bilang pagpapakita ng suporta ng mga residente kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa nasabing pagtitipon, makikitang ang ilang mga kalahok ay may dalang mga tarpaulin na may nakasulat na “COTABATO CITY STANDS WITH FPRRD,” bilang malinaw na mensahe ng kanilang pagkakaisa at pagtindig para sa dating pangulo.
Ayon sa ilang dumalo, layunin ng prayer rally na ipakita ang kanilang patuloy na tiwala at suporta kay Duterte, lalo na sa gitna ng mga isyung kinahaharap nito sa kasalukuyan. Bukod sa panalangin, nagsagawa rin ng talumpati ang mga kalahok upang ipahayag ang kanilang saloobin.
Nanatiling mapayapa at maayos ang daloy ng programa habang ipinapakita ng mga mamamayan ng Cotabato City ang kanilang pagkakaisa at paninindigan.