Nakita ng mga inang nagbubuntis ang tunay na halaga ng pagsasailalim sa pre-natal check ups habang sila ay nagdadalang tao.

Ito ay kasunod ng nakakalungkot na sinapit ng tatlo sa apat na ipinanganak ng isang ina sa Mamasapano, Maguindanao Del Sur na kung saan, pumanaw ito bunsod ng tinatawag na breathing issues.

Sa panayam ng Star FM Cotabato sa kaanak ng mga magulang ng quadruplets, sinabi nito na nagulat na lamang sila na apat ang isinilang ng kanilang kaanak na buntis.

Kakulangan sa pera ang dahilan ng naturang kaanak upang di magpasailalim sa pre-natal checkup ang ina ng apat na sanggol at naipanganak ang apat sa pamamagitan ng hilot sa kanilang barangay.

yon sa mga eksperto, mahalaga ang mga pre-natal checks sa mga ina na nagdadalang tao upang matutukan ang over all well being ng nanay maging ng sanggol na nasa loob ng sinapupunan nito.

Dagdag pa dito, na kapag sumailalim ang isang ina sa mga ganitong uri ng procedure, maagang matutuklasan at maiiwasan ang mga depekto o maaring maging sakit o kapansanan ng isang sanggol.

Aniya, hindi rin dahilan ang kakapusan ng pera upang magpacheckup bagkus, lumapit sila sa mga rural health units o barangay health centers para makapagpatingin at maagapan ang anumang magiging aberya sa pagbubuntis.