Ipinaliwanag ng Malacañang na wala umanong balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itulak ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay Malacañang Press Officer Atty. Claire Castro, wala pang anumang indikasyon na pursigido ang Pangulo na isulong ang impeachment, at ito ay kanilang pinabulaanan.

Dagdag pa niya, hindi rin naglabas ng pahayag ang Palasyo na nagtutulak o nagtitiwala ang administrasyon na mapatatalsik si Duterte.

Matatandaang na-impeach si VP Sara sa Kamara noong Pebrero 5 dahil sa mga kasong betrayal of public trust, graft, at iba pa.

Nakatakdang isumite sa Senado ang Articles of Impeachment sa darating na Hunyo 2, at inaasahang magsisimula ang pagdinig sa Hulyo 30.