Nakatakas ang isang preso sa pasilidad ng Pigcawayan MPS kamakalawa.

Kinilala ng Pigcawayan MPS ang nakapuga sa apelyidong Parnicio na nasa kanilang kustodiya sa mga kasong Frustrated Murder at Homicide.

Inalerto naman ng Pigcawayan MPS ang lahat ng mga tauhan nito at inabisuhan ang Alert Team upang makapagsagawa ng hot pursuit operations upang mahuli ang nasabing pugante ng bilangguan habang pinagpapaliwanag naman ng hepe ng Pigcawayan MPS na si PMAJ Andres Sumugat ang nakaduty na custodial facility officer kung bakit naganap ang pagtakas ni Parnicio.