Sugatan ang OIC School Principal ng Kapinpilan High School ng barilin ito sa Barangay Road ng Barangay Kapinpilan, Kadayangan, SGA BARMM kaninang 7:35 ng umaga.

Sa impormasyong nakalap ng Star FM News Team, kinilala ang biktima na si Aurora Bayog Ledda, 51 anyos, may asawa, Teacher III, OIC Principal ng Kapinpilan High School at residente ng Midsayap, Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon na papasok na sana sa paaralan ang biktima sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek pagdating sa naturang lugar.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima dahilan upang ito ay isugod sa bahay pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng 45 caliber pistol na ginamit sa pamamaril. Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon upang matukoy ang suspek at maging ano ang motibo sa nasabing pamamaril.