Inihayag ng Commission on Elections na ganap nang natapos ang pag-imprenta ng lahat ng balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2026 sa buong bansa.
Ayon sa COMELEC, tinatayang aabot sa 70 milyong botante ang lalahok sa barangay elections habang nasa 25 milyon naman para sa Sangguniang Kabataan.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang mga botanteng edad 15 hanggang 17 ay makakatanggap ng isang balota para sa SK, habang ang mga edad 18 hanggang 30 ay bibigyan ng dalawang balota isa para sa SK at isa para sa barangay elections.
Samantala, ang mga botanteng edad 31 pataas ay isang balota lamang ang matatanggap para sa barangay elections.
Nilinaw rin ng COMELEC na mananatiling mano-mano ang proseso ng halalan at muling gagamitin ang mga dilaw na ballot box sa araw ng botohan.
Tiniyak ng ahensya na ang maagang pagkumpleto ng mga balota ay bahagi ng paghahanda upang masiguro ang maayos at organisadong halalan sa BSKE 2026.

















