Patay na ng matagpuan ng mga autoridad ang isang babae sa kubeta mismo nito sa bahagi ng MB Bagua sa lungsod ng Cotabato.

Sa latest update ng presinto kwatro, kinilala ang babae na si Tita Dalumpines y Gamao, 60 at isang private tutor na tubong Kidapawan City.

Sa sanaysay ng babaeng saksi, humingi ito ng saklolo sa mga kagawad ng Barangay upang iulat ang naganap.

Ayon sa PNP, wala anyang foul play at posibleng sa iniinda nitong sakit natuluyan ang namatay.

Kinuha na ng pamilya ni Dalumpines ang bangkay nito upang mapaglamayan at mabigyan ng disenteng libing.