Bumisita bilang pagpapataas moral at suporta para sa dalawang nasugatang kasapi ng pulisya ang mismong hepe ng PRO-BAR na si PBGen. Romeo Macapaz.
Nasugatan ang dalawa nitong kasapi sa madugong buy-bust kahapon sa Crossing Simuway, Sultan Kudarat Town Maguindanao del Norte na kung saan 6.8 million pesos na halaga ng droga ang nasamsam.
Bukod pa sa mga sugatan, bumisita din si General Macapaz sa dalawa nitong tauhan na namatay sa nasabing operasyon upang makiramay sa mga kaanak nito.
Patuloy naman ngayon ang pagtugis ng mga kapulisan sa mga nakatakas na suspek sa nasabing drug buybust operations.