Naglabas ng ulat ang Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) hinggil sa mga resulta ng kanilang mga operasyon mula Pebrero 27 hanggang Marso 5, 2026 sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Bangsamoro.

Batay sa datos ng pulisya, umabot sa ₱2,938,960.00 ang kabuuang halaga ng mga ipinagbabawal na gamot na nakumpiska sa isinagawang mga operasyon laban sa illegal drugs. Samantala, sa kampanya laban sa smuggling o pagpupuslit ng mga kontrabando, nakarekober ang mga awtoridad ng mga produkto na may halagang ₱571,425.75.

Sa parehong linggo, 11 assorted loose firearms ang nakumpiska o nabawi ng mga operatiba sa iba’t ibang operasyon sa rehiyon.

Sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest, 10 indibidwal na kabilang sa listahan ng most wanted persons ang naaresto ng pulisya. Mayroon ding 4 na indibidwal na naaresto sa mga police response at checkpoint operations.

Samantala, isang motorsiklo ang naitala na nabawi ng mga awtoridad sa ilalim ng kampanya laban sa carnapping.

Ang mga datos na ito ay bahagi ng lingguhang operational accomplishment report ng PRO BAR na sumasaklaw sa mga aktibidad ng pulisya kaugnay ng pagpapatupad ng batas at iba pang operasyon sa loob ng Bangsamoro region.