Hinihintay na lang ng Police Regional Office-BAR ang opisyal na utos mula sa COMELEC bago ilagay sa kontrol nito ang bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Norte.
Ayon kay PRO-BAR Regional Director PBGen. Romeo Macapaz, matagal nang pinag-aaralan ang hakbang na ito matapos ang pagpatay kay Election Officer Maceda Abo at kanyang asawa.
Sa paunang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG), apat (4) ang persons of interest sa krimen, na posibleng may kaugnayan sa trabaho ng biktima.