Pinangunahan ng mismong direktor ng PRO-BAR, PBGen. Romeo Macapaz ang paunang seremonyas ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere o MOVE Orientation Seminar kahapon, Nobyembre 20 sa Multi Purpose Center ng Kampo SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.
Layunin ng nasabing seminar ang pagkakaroon ng tamang edukasyon at awareness sa mga kalalakihan upang maiwasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Tampok sa MOVE seminar orientations ang mga diskusyon, pagbibigay ng pangaral at pagpromote ng respeto, gender sensitivity at proactivong pakikiisa ng mga kalalakihang pulis sa mga programa laban sa karahasan sa mga kababaihan sa komunidad maging sa institusyon.