Nagsagawa ng unang command visit bilang bagong Regional Director ng PRO BAR si PBGen Romeo Macapaz at ang buwena mano nitong pinuntahan noong nakaraang huwebes, Oktubre 31 ay ang Cotabato City Police Office.

Malugod namang winelcome sa tanggapan ng CCPO si Macapaz ng OIC ng siyudad na si PCOL Michael Mangahis sampu ng mga tauhan nito sa CCPO Headquarters sa Barangay Rosary Heights 1.

Kasama din ni Macapaz na bumisita sa CCPO ang mga miyembro o key members ng PRO BAR Regional Staff.

Sa naging pananalita ni Macapaz, iginiit nito sa mga kabaro na dapat ay suportahan nila ang liderato ni Mangahis at pahalagahan ang tinatawag na devotion to duty, paghawak sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo, integridad at disiplina sa kanilang serbisyo bilang mga Pulis Cotabato na nagsisilbi sa lungsod at sa taumbayan.