Mahigpit na nakikipagtulungan ngayon ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa Police Regional Office 11 (PRO 11) kaugnay ng imbestigasyon sa pagkakaaresto ng isang tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 14-A sa isinagawang entrapment operation sa Davao City noong Oktubre 13, 2025.

Ayon kay PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, mariing kinokondena ng kanilang tanggapan ang anumang uri ng paglabag sa batas, katiwalian, o maling gawain mula sa kanilang mga kasapi.

Tiniyak ni De Guzman na buong suporta at pakikipag-ugnayan ang ibibigay ng PRO BAR sa PRO 11 upang masiguro na mapairal ang hustisya at tamang proseso ng batas sa naturang kaso.

Dagdag pa niya, nananatiling tapat ang PRO BAR sa kanilang layunin na panatilihin ang tiwala ng publiko at tiyaking ang lahat ng tauhan sa ilalim ng kanilang tanggapan ay gumaganap sa tungkulin nang may dangal, disiplina, at integridad.

Ang PRO BAR ay patuloy na umaayon sa adhikain ng “Bagong Pilipinas,” na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at tiwala ng mamamayan — “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”