Pinangunahan ni Police Brigadier General Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region, ang isinagawang 1st Quarter 2026 Command Conference kahapon, March 31, sa PRO-BAR Multi-Purpose Center sa Camp BGen Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.

Layunin ng nasabing kumperensya na suriin ang kasalukuyang estado ng kriminalidad sa rehiyon, kabilang ang masusing pagrepaso sa mga datos ng krimen at ebalwasyon sa ipinatutupad na anti-criminality strategies sa ilalim ng Lambat Sibat concept.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang deployment ng mga kapulisan at tamang paggamit ng manpower sa iba’t ibang lugar upang matiyak ang agarang responde sa anumang banta sa seguridad.

Nagsilbi rin itong pagkakataon para tugunan ang mga umiiral na hamon sa hanay ng pulisya at ihanay ang mas pinaigting na mga hakbang para sa susunod na mga buwan.

Ayon sa PRO-BAR, sa pamamagitan ng mas pinatibay na koordinasyon, paggamit ng makabagong datos, at iisang direksyon ng mga opisyal, inaasahang lalo pang mapapalakas ang kampanya kontra kriminalidad at masisiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa Bangsamoro region.