Nagpaalala ang Bangsamoro READi sa mga mamamayan sa BARMM Region na maging maingat at alisto sa oras ng kalamidad at emerhensiya.
Kasunod ito ng naging biglaang pagbaha sa mga bayan na sakop ng Maguindanao Del Sur.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Ginoong Jofel Delicana ng Bangsamoro READI, sinabi nito na apektado ng nasabing flashfloods ang mga bayan ng Datu Piang, Datu Salibo, General SK Pendatun, Mamasapano at Datu Abdullah Sangki.
Naitala ang paglikas ng mga mamamayan sa Datu Piang habang ang pinakanapuruhan ng nasabing pagbaha ay ang Datu Abdullah Sangki habang di pa sila nakakapagulat ng tala ng damages sapagkat wala pang inuulat ang bawat bayan sa kanilang tanggapan.
Dahil dito nagpaalala si Delicana sa mga mamamayan ng rehiyon na nabahaan na gawin nila ang nararapat na paghahanda at pagkilos bago at matapos ang pananalasa nito sa kanilang pamamahay.
Ang pakikinig sa mga balita, paghahanda ng mga kagamitang mabibitbit sa oras ng paglikas gaya ng Go Bag pagmomonitor pagbabasa ng mga weather reports ang inirerekumenda nito sa mga pamilya pati na rin ang pakikiramdam sa kapaligiran at paglilinis ng bahay pati na rin ang pakikinig ng pamilya sa mga autoridad sa oras na ito ay pinalikas na sa kanilang kabahayan.