Dumagsa ang mga miyembro ng parehong grupo na MILF at MNLF matapos na magkaroon ng programang amnestiya ang National Amnesty Commission nito lamang nakaraang Pebrero 25.
Sa tala ng ahensya, 127 na aplikasyon ang natanggap sa loob ng isang araw na programa. Sa bilang, 104 ang mula sa MILF at 23 naman ang sa MNLF.
Sa kabuuan, umabot sa 517 na aplikasyon mula sa MILF at 297 naman sa MNLF ang natanggap ng ahensya na pagpapatunay lamang na suportado nila ang kapayapaan at pagkakasundo sa ating bansa.
Layunin naman ng nasabing programa na mapalakas pa ang peace and reconciliation sa bansa partikular na sa mga nasa laylayan at conflict areas sa rehiyon.