Namahagi ng mga mahahalagang medisina maging ang mga healthcare kits sa 12 na Rural Health Units o RHU ang Project TABANG ng BARMM Government sa Maguindanao Del Norte.
Ang pamumudmod ay isinagawa sa second founding anniversary ng lalawigan at kasabay din ng Programang Sapat Para sa Lahat bilang pakikiisa sa kaarawan ng Pangulong Bongbong Marcos.
Isinagawa sa bayan ng Sultan Mastura ang naturang program na sanib pwersang nilahukan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Pinangunahan ni PMO Deputy Project Manager Abobaker Edris ang pamimigay ng mga kagamitan at gamot kasama na si MagNorte Governor Sammy Gambar Macacua.