Patuloy pang pinaiimbestigahan ni Makilala Institute of Science and Technology o MIST President Dr. Gerry Rigonan ang ulat na umano’y nagaganap na prostitusyon sa labas ng kanilang bakuran na kinasasangkutan ng ilang mga estudyante.

Nabatid sa report na may nagbigay impormasyon sa kanila na may taga labas ng paaralan na tinatawag na Mamasang o bugaw ng mga estudyante na may kagya’t na pangangailangan at upang kumita ito ay ibibigay nya ito sa mga kliyente.

Narinig na rin noon ni Dr. Rigonan ang naturang modus sa ibang mga paaralan ngunit siniguro nito na wala namang nangyayaring ganito sa MIST. Isasama na nila ang mga hakbangin laban dito sa kanilanh info campaign drive bukod pa sa masinsinang pagiimbestiga sa impormasyon.

Wala pa aniya silang concrete evidence o matibay na pagpapatunay kung nagaganap ito sa labas bakuran ng MIST at ang sabi pa rito ni Dr. Rigonan at sana ay fakenews na lang ito.