Nagdaos ang pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur ng kanilang First Quarter Hybrid Joint Council Meeting kahapon, March 31, 2026 sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol sa Buluan.

Pinangunahan ang pulong ni Governor Ali Midtimbang Sr. kasama sina Vice Governor Hisham S. Nando, Mayor Nathaniel Midtimbang, at MILG Provincial Director Amina T. Dalandag.

Tinalakay sa pagpupulong ang iba’t ibang isyu sa probinsya kabilang ang food security, kakulangan sa suplay ng kuryente, fire prevention, at pangkalahatang kaligtasan.

Ipinakilala rin ang ilang programa kaugnay ng nararanasang energy crisis sa lalawigan, kabilang ang subsidy caravan na layong makatulong sa mga komunidad at masubaybayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Inilahad din ang mga inisyatiba ng iba’t ibang konseho tulad ng kampanya kontra droga, peace and order measures, disaster preparedness, at waste management.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, magsisilbing daan ang naturang pulong upang mapag-isa ang mga hakbang ng iba’t ibang sektor sa pagtugon sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng probinsya.