Nakastandby bukod sa kapulisan ng lungsod ang mga personahe ng City Public Safety Office sa mga terminal para magbigay ng ayuda at tulong sa mga nangangailangan maging ang pagbabantay sa seguridad sa mga pasahero ngayong todos los santos at araw ng mga patay.
Ayon kay Mosib Salipada, isa sa mga tauhan ng CCPSO, handa silang tumulong sa mga pasahero upang ligtas silang makauwi at makasakay sa kanilang pupuntahang direksyon.
Paalala lang ni Ginoong Salipada, wag nang magmatigas at gawin ang mga ipinagbabawal gaya ng pagdadala ng mga bladed weapons, alak, at iba pa.