Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw na, simula alas-5:00 ng hapon, Lunes, March 23, 2026, at sa kasunod na tatlong araw hanggang March 25, 2026, ay ipatutupad ang asynchronous classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa lahat ng antas.
Ang hakbang na ito ay kaugnay sa nakatakdang three-day transport strike, upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga estudyante, magulang, at mga guro sa buong lungsod.
Hinihikayat din ang mga pribadong paaralan, unibersidad, kolehiyo, at State Universities and Colleges (SUCs) na magpatupad ng katulad na pamamaraan ayon sa pagpapasya ng kani-kanilang administrasyon.
Ang lungsod ay nanawagan sa lahat ng estudyante at magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan para sa detalyadong schedule at iba pang kautusan.

















