Umusad na ang konsultasyong pampubliko o public hearing na naglalayong matalakay ang isinusulong na Health Bill ng BTA o ang Parliament Bill Number 225 na may titulong Act Upgrading the Maguindanao Provincial Hospital (MPH) and thereby increasing its bed capacity to 350, appropriating funds therefor and for other purposes.
Dinaluhan ito ng mga sangkot na sektor sa naturang panukala kabilang na ang mga taga MPH, MOH, BTA at publiko. Layunin ng panukala na maisulong ang Maguindanao Provincial Hospital na mula Level 2 ay maiangat ito patungong Level 3 at madagdagan ang kapasidad nito na 350 bed capacity at upang mapalawak pa ang serbisyong medikal na iniaalok ng nasabing bahay pagamutan sa Maguindanao del Sur at sa mga karatig nitong bayan at lugar.
Umaasa naman ang BTA na ito ay maipapasa bilang batas sa lalong madaling panahon para mabenepisyuhan ang mga mamamayan ng rehiyon at ng nasabing probinsya.