Kinukundena ng mahigpit ng City Mobile Force Company ng General Santos ang pagpatay sa personahe nitong si Pat. Benjamin Difuntorum III.
Difuntorum ay napatay sa hot pursuit operation na ikinasawi naman din ng dalawang armadong suspek sa Coronel Compound sa Barangay Baluan sa lungsod noong Setyembre 11.
Tiniyak naman ng CMFC na may mananagot at makakamit ng pamilya ng nasawing pulis ang hustisya at katarungan sa pagkakapatay nito.
Samantala, kinilala naman ng GSCPO Station 10 ang mga suspek na nasawi din sa mga alyas Tigre at Bulldog na syang pumatay umano sa negosyanteng si Didith Alejandria.
Agad naman na nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga personahe ng kapulisan kasunod ng insidente sa tahanan ng gunman na si Bulldog pero ng sila ay paputukan ng mga suspek, gumanti ang mga pulis na ikinasawi naman ng mga ito.
Samantala si Patrolman Difuntorum na nadala pa sa bahay tambalanan ay binawian din ng buhay sanhi ng mga malalang tama ng baril.
Binisita naman ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. at ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao ang burol ng namayapang patrolman.