Patay on the spot ang isang lesbiyanang miyembro ng kapulisan matapos na pagbabarilin ito ng mga di pa kilalang suspek sa tapat ng laundry shop nito sa Datu Ingkal Street, Poblacion sa lungsod ng Kidapawan, alas siyete ng gabi kagabi.
Kinilala ang nasawi na si PCPL Rolinda Tabamo, 31 anyos at dating nakadestino sa Tantangan PNP at ngayon ay nasa AWOL status.
Nabatid na riding in tandem ang mga suspek na tumapos sa buhay ng nasabing pulis at agad namang tumakas matapos ang krimen.
Batay sa paunang imbestigasyon, apat na putok ng baril ang narinig ng mga residente kung saan dalawa ang tumama sa katawan ng biktima kung agad natigok ito. Sinusuri na ng kapulisan ang mga anggulo maging ang motibo sa nasabing pamamaril.