Pumanaw na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan sa edad na 83 habang nasa Australia, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Carlo sa pamamagitan ng social media.

Ayon sa anak, nalagutan ng hininga ang ina dahil sa karamdaman, ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ukol sa kanyang pagpanaw. Nakilala si Labalan sa kanyang mga pagganap sa iba’t ibang pelikula mula dekada 80 hanggang 90, partikular sa mga komedya, kung saan tumanyag ang kanyang husay sa pagpapatawa.