Isa na namang kapitan sa gitnang Mindanao ang napatay ng di pa tukoy na mga suspek sa Sultan Kudarat.

Kinilala ang tinambangan-patay na si Amado Serra Jr, 62 anyos, kasalukuyang halal na kapitan ng Barangay Laguilayan sa bayan ng Isulan.

Sa lumabas na ulat ngayong Martes ng PRO-12 at SKPPO, tinambangan si Serra habang sakay ng kotse nito patungo sa pupuntahan nito ng sya ay paputukan habang nasa isang bahagi ng Purok 7 sa Barangay Laguilayan.

Sinasabing nakabuntot sa kanyang sinasakyan ang mga suspek na tumambang sa kanya.

Patay on the spot naman si Serra sa tama ng mga bala habang nakatakas ang mga armadong motorista sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi sa naturang pananambang kay Kapitan Serra.