Patay ang apat na Arabic Students matapos mabagsakan ng malaking punong kahoy sa bayan ng Malabang Lanao Sur dahil sa epekto ng malakas na ulan at hangin nito lamang weekend.

Habang sa bayan naman ng Parang ay sugatan naman ang isang pamilya matapos mabagsakan ng punong kahoy ang kanilang pamamahay.

Mabuti na lamang at hindi fatal ang mga natamong sugat ng mga biktima.

Ilang kabahayan naman ang nasira din dahil sa malakas na hangin at ulan.