Cat’s engine really works well.
Yan ang reaksyon ng mga netizens matapos na umuwi sa kanilang bahay ang isang 2 taong gulang na siamese cat na kinilalang si Rayne Beau matapos ito na mawala sa Yellowstone National Park.
Nawala si Rayne Beau matapos itong tumakbo sa mga puno sa di malamang direksyon ayon sa mga amo nito na si Benny at Sussane Anguiano. Ang magasawa na nakabase sa Salinas, Monterey County ay di na umaasa na makakabalik pa sa kanila ang naturang pusa.
Ngunit makalipas ang dalawang buwan, nakatanggap sila ng isang voice message mula sa isang bahay kalinga o animal shelter sa Roseville na 30 minutos ang layo sa Sacramento at pinapaalam nito na si Rayne Beau ay nasa kanilang pangangalaga.
Dali dali namang pinuntahan ng magasawa ang shelter at laking gulat nila ng dinamba sila ni Rayne Beau na parang walang nangyari o hindi sya nawala.
Dito na nalaman ng magasawa na nilakad nito ang 800 na milyang layo ng kanilang tahanan sa California at napadpad na lamang sa isang bahay ampunan para sa mga hayop.
Matapos na macheck-up ng beterinaryo ang nasabing pusa ay ibinalik na ito agad sa magasawa at nangakong di na sila magpapabaya pa sa pag-aalaga kay Rayne Beau na katunog ng Rainbow.