Arestado sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operations ng Sultan Mastura PNP Drug Enforcement Unit ang isang PWD o may kapansanan kagabi, Nobyembre 11 dakong alas 9:40 sa bahagi ng Sitio Langka, Barangay Tambo sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao Del Norte.
Kinilala ng Sultan Mastura PNP ang suspek na si alyas Tammyboy, 30 taong gulang, kasal at walang trabaho na residente sa nasabing lugar at bagong indibidual pa lamang sa larangan ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
Nakumpiska kay alyas “Tammyboy” ang isang (1) heat sealed transparent na plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at may bigat na .3 gramo at halagang 2,040.00, pito (7) pang piraso ng kaparehas na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.5 na gramo at halaga na aabot sa 17,000.00, ang 500 na halaga ng bust money, isang improbisadong toother na may bahid pa ng shabu at iba pang mga kagamitang pang batak.
Sa ngayon, himas rehas na si Tammyboy sa Sultan Mastura Police Station habang ang mga ebidensya naman ay diniretso sa RFU-BAR para sa eksaminasyon.
Haharap naman si Tammyboy sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















