Nairaos ng matagumpay at positibo ang resulta ng isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting (MPOC) sa bayan ng Northern Kabuntalan na nilahukan ng ibat ibang sektor at mga personalidad sa bayan.
Sa bawat presentasyon ng mga stakeholders ay nakikita ang neutralism ng sitwasyon sa munisipalidad dahil sa patuloy na pagtutulungan ng mga ito kasama na ang kanilang alkalde.
Kabilang sa mga highlights ay ang kaganapan sa peace and order na isinusulong ng militar at kapulisan katuwang ang mga nasa Barangay Local Government Units na sakop ng bayan.
Sa sektor naman ng LCPC o ang Local Council for the Protection of Children, tumaas ng 88% ang ideal rating ng bayan sa 3rd quarter ng taon.
May mga inilatag na ding inisiyatiba ang pamahalaang bayan sa mga issue na may kaugnayan sa agawan ng titulo ng lupa sa Barangay Indatuan.