Maituturing na biyaya ng magasawang Nasser at Naila ang dumating sa kanilang anak dahil ang inaakala nilang isa, naging apat o quadruplets pa.

Shocked pa rin sa ngayon ang mag-asawa dahil di naman nito inaasahan na apat o aabot sa quadruplets ang ipinagbubuntis ni Naila gayong di ito nakakapagsagawa ng prenatal check-up.

Tanghali kahapon ng isilang nito ang apat na sanggol na bubuo sa kanilang pamilya sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano sa Maguindanao del Sur.

Ngunit sinawimpalad ang isa sa apat na sanggol dahil sa breathing issues nito.

Sa ngayon, inoobserbahan pa ang kundisyon ng tatlo sa Cotabato Regional Medical Center habang ang ina naman nito ay nasa IPHO Maguindanao.

Nanawagan naman ng tulong si Omaira, ang kaanak ng mga ito at maari silang makontak sa numerong 0916-845-6805.