TUWIRANG nilinaw at ipinaliwanag ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang tunay na gampanin ng Quick Response Team o QRT sa lungsod matapos tahasang kwestiyonin ni City Councilor Gabby Usman kung ano nga ba ang tunay na tungkulin ng QRT sa ginanap na ika-112th Regular Session ng 17th Sanggunian Panlungsod nitong Martes. August 20, 2024.

Paglilinaw ng alkalde, ang Quick Response Team ay binuo sa ilalim ng Office of the City Mayor – Contract of Service (COS) na may tungkuling tumulong sa mga kapulisan upang maisaayos ang Peace and Order sa Lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, nakakapagtaka aniya ang na kinuwestiyon ng mayorya ng City Council ang hinggil sa QRT gayung wala namang naipabalita at intensyong abusuhin ng mga ito ang kanilang tungkuli.