Patuloy pa rin na nakapagdeploy ng QRT at ng LDRRMO para sa Maguindanao Norte IMT ang Bangsamoro READi.
Ito ay parte at bahagi ng limang araw na search, retrieval and rescue operations ng Matanog IMT ang BARMM Readi QRT.
Buhat pa ng umaga ay walang puknat ang isinasagawang search and retrieval operations at di naman nagtagal ay natagpuan na ang ikalimang indibidyal na nawala pa noong July 9 bunsod ng baha sa Matanog.
Alas kwatro bente ngayong linggo ng matagpuan ang bangkay ng bata sa tulong ng K-9 unit ng PCG BARMM.
Samantala, patuloy pa rin na nakasuporta ang iba pang mga kawani ng Bangsamoro READi sa Maguindanao Norte IMT.
Ayon sa nakuhang tala ngayong araw, walong baryo ang apektado at dalawa dito ang malubhang nasalanta ng baha.
Sa kabila ng sunod subod na pangangailangan ng tulong sa mga bayan na nasalanta, nananatiling aktibo ang BARMM Readi sa pakikipagugnayan sa mga ahensya ng BARMM para makapagpadala ng kagyat na tulong at responde.