Sa kabila ng makabagong teknolohiya at digital platforms, nananatili ang radyo bilang matibay na haligi ng impormasyon, libangan, at serbisyo publiko.
Ngayong World Radio Day 2025, muling ipinagdiriwang ang mahalagang papel ng radyo sa buhay ng bawat Pilipino—mula sa liblib na baryo hanggang sa abalang siyudad.
Sa paggising pa lang sa umaga, ang radyo na ang bumabati sa maraming tahanan.
Mula sa musika at balita hanggang sa pampasiglang programa, hindi maaaring mawala ang tunog ng radyo sa buhay ng mga Pilipino.
Dito sa 93.7 Star FM Cotabato, ang Music Station ng Bombo Radyo Philippines, hatid namin ang pinakabagong balita—First, Fast, Right, and Accurate! Kasabay nito, patuloy kaming nagbibigay ng de-kalidad na musika at programa upang maghatid ng kasiyahan at impormasyon sa bawat tagapakinig.
Kapag may bagyo, lindol, o iba pang sakuna, ang radyo ang unang nagbibigay ng babala at impormasyon. Habang ang ibang teknolohiya ay maaaring bumagsak, nananatiling matibay ang radyo bilang lifeline ng bayan.
Sa 93.7 Star FM Cotabato, handa kaming ihatid ang mahahalagang balita upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Ang radyo ay hindi lang tagapagbalita kundi tagapagtanggol ng mamamayan.
Sa aming public service programs, binibigyang boses namin ang inyong mga hinaing—mula sa problema sa tubig at kuryente hanggang sa personal na kwento ng inspirasyon. Sa radyo, bawat hinaing ay may kasagutan, at bawat kwento ay may pakikinggan.
Habang patuloy na nagbabago ang mundo, kasabay nito ang ebolusyon ng radyo. Mayroon na ngayong online streaming at live social media broadcasts, ngunit nananatili ang pundasyon ng radyo—tapat na paglilingkod, malayang pagpapahayag, at walang sawang pagbibigay ng serbisyo sa bayan.
Ngayong World Radio Day 2025, ipagdiwang natin ang 93.7 Star FM Cotabato—ang inyong pinagkakatiwalaang himpilan na patuloy na maghahatid ng balitang First, Fast, Right, and Accurate!
Mabuhay ang Radyo! Mabuhay ang Tinig ng Mamamayan!