Opisyal nang nagsimula ang buwan ng Ramadhan sa Lanao del Sur ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 18, 2026, ayon sa pahayag ng Provincial Mufti na si Sheikh Amerodin Sarip.
Ginawa ang anunsyo sa harap ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., Marawi City Vice Mayor Majul U. Gandamra, at mga miyembro ng Provincial Ulama Council sa pangunguna ni Sheikh Abu Annas Ansari.
Ayon kay Mufti Sarip, ang pagsisimula ng Ramadhan ay alinsunod sa pandaigdigang anunsyo at itinakdang pamantayan sa pagsipat ng buwan.
Aniya, mahalaga ang pagtutugma ng petsa ng pag-aayuno sa buong rehiyon upang mapanatili ang pagkakaisa ng mga Muslim.
Samantala, ang Bangsamoro Darul Ifta’ ay nagpahayag na sa ibang bahagi ng Pilipinas, magsisimula ang Ramadhan sa Huwebes, Pebrero 19, 2026.

















