Kasabay ng pagobserba sa buwan ng banal na Ramadhan ay nagbukas na rin sa publiko sa pamamagitan ng pagpapasinaya nito ang Ramadhan Trade Fair sa Cotabato City Peoples Palace Grounds kahapon.
Nanguna sa ribbon cutting si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao. Ang taunang trade fair na ginagawa sa lungsod ay kinatatampukan ng mga negosyo at komersyo na patok tuwing buwan ng Ramadhan.
Hinihikayat naman ni Matabalao ang mga taga lungsod at karatig bayan na mamasyal at mamili sa trade fair na isinasagawa taon taon sa peoples palace open ground.