NAPASAKAMAY na ng pulisya ang isang matagal nang Wanted Person na may 3 kasong rape sa Bayog, Zamboanga del Sur ng mahuli ito sa Barangay Bao, Alamada, Cotabato.
Wala nang nagawa pa ang suspek na si Christian Malque Manquiquis nang arestuhin ito sa pinagtataguan nito sa Sitio Suli sa Barangay Bao ng pinagsanib pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group – Cotabato Provincial Field Office, at PNP sa Bayog at sa Alamada.
Ayon sa mga opisyal ng Police Regional Office Region 9, agad na umalis sa Bayog si Manquiquis sa pag-aakalang matatakasan nito ang tatlong kaso ng panggagahasa na isinampa sakanya.