Malugod na winelcome ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa opisina nito ang bagong talaga na PRO BAR Regional Director na si PBGen. Romeo Macapaz nito lamang Oktubre 31.

Ang pagbisita ni Macapaz kay Ebrahim ay tanda ng kaniyang pagkilala sa liderato ng Chief Minister at ang pagtanggap naman ni Ebrahim sa naturang pagbisita ni Macapaz ay tanda rin ng kanyang pagkilala sa bagong talagang pinuno ng pulisya sa rehiyon.

Tinalakay ng dalawa ang security measures na ipinapatupad ng kapulisan sa buong rehiyon at kung paano mapapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. Kasama nila sa pulong sina MILG Minister Sha Dumama Alba at ang mga high ranking officers ng pulisya sa rehiyon.

Present din si Cotabato City Police OIC PCol. Michael Mangahis sa nasabing courtesy call.