INILABAS na ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, Chairperson ng 2024 Shari’ah Bar Examination, ang naging resulta ng nasabing eksaminasyon.
Ayon kay SC Associate Justice Singh, 183 out of 853 na mga kumuha ng examinasyon ang nakapasa o katumbas ito ng 21.45 na porsyento ng kabuuang nakapasa sa kauna-unahang digitalized at regionalized na special exams.
Hinirang na Top 1 na si Nurhaifah Hadji Said Punginagina, na nakakuha ng 86.75% na resulta.
Ang Shari’ah Bar ay ang propesyonal na pagsusuri sa lisensya na sumasaklaw sa batas ng Islam na pinangangasiwaan ng Korte Suprema.