Matagumpay na naisagawa ang programang REVIVE 2026 nitong Huwebes ng hapon, ika-15 ng Enero 2025, sa Crossing Simuay (Old Capitol), Maguindanao del Norte. Dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor ng lipunan bilang bahagi ng layuning espiritwal at pangkaunlaran ng lalawigan.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Provincial Governor Datu Tucao Mastura, CPA, na siya ring Founder at President ng Sunnah Initiative, kasama si Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura, CPA, at Vice Governor Datu Marshall Sinsuat.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kilalang personalidad tulad ni dating Kongresista Atty. Datu Michael Mastura, SM Mayor Datu Armando Mastura, DS Atty. Ishak Mastura, at dating Vice Governor Datu Ismael Mastura, pati na rin ang iba’t ibang halal na opisyal, kawani ng pamahalaan, mga guro, estudyante, at mamamayan ng Maguindanao del Norte.

Tampok sa programa ang pagbabahagi ng mensahe ng mga kilalang Foreign Islamic speakers na sina Dr. Ismail Ib’n Musa Menk (Mufti Menk), Sheikh Brother Wael Ibrahim, at Dr. Muhammad Salah. Sa kanilang mga talumpati, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng paghahanda sa Day of Judgement at ang pagpapalaganap ng mabuting aral at tunay na diwa ng Islam sa komunidad.

Ang muling pagbisita ng mga nasabing Islamic scholars sa Maguindanao del Norte ay itinuturing na simbolo ng patuloy na pag-unlad, pagkakaisa, at kapayapaan sa lalawigan.