Hindi na umabot ng buhay ang isang motor rider matapos siyang atakihin ng stroke habang nagmamaneho sa Barangay Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato, kahapon ng 9:30 ng umaga, Hunyo 6.
Kinilala ang biktima bilang si Marvin Iwag, isang residente ng Barangay Sajaneba sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, papaligo sana sa pool ang biktima kasama ang kanyang tatlong taong gulang na anak nang biglang maramdaman ang stroke. Tumabi siya sa isang tulay at nag-collapse. Ayon sa misis ni Marvin, nitong nakaraang buwan lang ay kalalabas nito sa ospital matapos ma-stroke, at tatlong beses na umano siyang naatake ng ganito.
Sa kasalukuyan, nasa punerarya na ang bangkay ni Marvin habang iniimbestigahan ang insidente. Wala namang naiulat na foul play ang mga awtoridad.