Muling naupo bilang Speaker ng Kamara si Rep. Martin Romualdez matapos ang pagbubukas ng ika-20 Kongreso, pero kapansin-pansin ang hindi paglahok ng ilang kinatawan mula sa Davao City sa botohan.

Hindi bumoto sina Rep. Paolo Duterte (1st District, Davao City), Rep. Omar Duterte (2nd District), at Rep. Harold Duterte (PPP Party-list), habang nag-abstain naman si Rep. Isidro Ungab ng 3rd District.

Sa halip na sumama sa majority o minority bloc, pinili ng grupo na manatiling independiyente.

Ayon kay Ungab, ito ay upang makaiwas sa pamumulitika at makapagserbisyo nang patas at may prinsipyo sa mga tao.

Bagama’t hindi nakaapekto sa pagkapanalo ni Romualdez bilang Speaker, malinaw ang mensahe ng Davao bloc—may pagkadismaya sila sa takbo ng liderato sa Kamara.

Ang hakbang na ito ay nakikitang simula ng mas malakas na tinig ng mga independenteng mambabatas sa loob ng Kongreso.