Masaya, makulay, at puno ng diwa ng bayanihan ang kauna-unahang Safety Olympics na ginanap sa Oval ng Notre Dame University, tampok ang Cotabato Light employees, NDU partners, at pitong (7) service providers at contractors.

Layunin ng programa na itaguyod ang kahalagahan ng workplace safety, palakasin ang teamwork, at pasiglahin ang kolaborasyon sa loob ng power industry. Buong puso ring nakilahok ang mga empleyado ng NDU at aktibong sumuporta sa iba’t ibang palaro at drills.

Kabilang sa mga pangunahing sumuporta sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP), City Health Office, Marine Battalion, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), na nagbigay ng gabay at ipinakita ang kanilang expertise sa emergency response.

Tampok sa unang Safety Olympics ang First Aid at Rescue Competition, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kasanayan sa mabilis na pagresponde sa emerhensiya mula sa CPR, basic life support, hanggang sa simulated rescue scenarios.

Ayon sa organizers, ang aktibidad ay unang hakbang sa mas pinalawak na programa para sa ligtas, handa, at may malasakit na community sa industriya ng kuryente at edukasyon.

Isang panimula ng mas matatag na partnership, ang Safety Olympics ay inaasahang magiging taunang selebrasyon ng kaligtasan at pagkakaisa sa Cotabato City.