Inilabas na ng Ministry of Finance, Budget and Management ng BARMM Government ang nasa P974.54 milyong piso na pondo para sa salary adjustments ng mga kawani mula sa mga ahensya, opisina at iba pang functionaries ng rehiyon.

Batay din ito sa Executive Order 64 na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na naglalayon na taasan ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan.

Makakatanggap ng adjustment sa kanilang mga sahod ang mga tanggapan na sakop ng BARMM Government tulad ng BTA, OCM, BIO, BDI, BBOI, BICTO, OSC, MFBM, MSSD, MOLE, MBHTE, MOH, MPW, MILF, Bangsamoro Readi, SGADA, MENRE, MHSD, MOST, Office of the Wali of the Bangsamoro, BYC, BASC, BCPCH at iba pang ahensya.