Isang 3-month old baby ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng malakas na ulan sa syudad ng Zamboanga gabi kahapon, araw ng Lunes.

Base sa report, residente ng Purok 5, Lampoon ang pamilya ng sanggol na nasawi kung saan ilang mga kabahayan rin ang hinampas ng malalaking alon dulot ng bagyong Kristine.

Kaugnay ng sama ng panahon naranasan sa lugar, nasa 26 mga pamilya o katumbas ng 80 mga indibidwal naman ang inilikas sa Brgy Patalon matapos masira ang kabahayan dahil na rin sa malalaking alon.

Limang katao rin ang nanunuluyan ngayon sa kanilang mga kaanak matapos na matapos makapagtala ng pagguho ng lupa sa KM15, Brgy La Paz.

Nagpaabot naman ng paunang tulong ang CSWDO kagaya ng bigay, canned goods, noodles at iba pang mga food supplies sa mga apektadong residente.